^

Metro

Quezon City fire: 100 bahay naabo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 100 kabahayan kasama ang ilang tanggapan ng Depatment of Agriculture ang naabo sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Bu­reau of Fire Protection, unang sumiklab ang kabahayan sa may Sitio Palanas, Brgy. Basra pasado ala-1:30 ng hapon.

Nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Felipe Barican kung saan bigla na lamang may umapoy sa loob nito sanhi umano ng ginamit na kandila o gasera.

Sinasabing ang lugar ay ma­tagal nang walang kur­yente at tanging gasera at kandila ang ginagamit ng mga ito bilang ilaw na pinani­niwalaang ugat ng naturang sunog.

Umabot naman sa Task Force Charlie ang sunog bago tuluyang naapula ang apoy kung saan nadamay ang tang­gapan ng Lifestock De­velopment Council at isa pang tanggapan ng DA.

Hindi pa naapula ang apoy sa Brgy. Bastra, sumiklab naman ang apoy sa may Domingo St., at Seattle St., Cubao ganap na alas-3:08 ng hapon.

Nagsimula rin ang apoy sa bahay ng isang Teresa Palano na gumagamit din umano ng gasera at kandila dahil napu­tulan ng suplay ng kuryente.

Pasado alas-4 naman ng hapon nang ideklarang fireout ang naturang sunog habang patuloy ang clearing operation ng kagawaran ng pamatay sunog upang mabatid ang halaga ng pinsala nito.

BRGY

DEPATMENT OF AGRICULTURE

DOMINGO ST.

FELIPE BARICAN

FIRE PROTECTION

LIFESTOCK DE

NAGSIMULA

SEATTLE ST.

SHY

SITIO PALANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with