MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang inside job ang pagkawala ng buong araw na kinitang pera ng Land Transportation Office (LTO)-Licensing Office Diliman branch na matatagpuan sa loob mismo ng LTO compound, East Avenue, Quezon City.
Bunsod nito, ipinag utos ni LTO Chief Virginia Torres ang naganap na pagkawala ng may P192,000 pondo na kinita ng naturang opisina sa buong araw na operasyon noong Lunes , Hulyo 19.
Sinabi ni Torres na papapanagutin niya ang sinumang sangkot sa insidente at iimbestigahan din ang mga tauhan sa naturang opisina at maging ang mga guwardiya na naka-duty sa buong magdamag ng Lunes hanggang madaling-araw ng Martes Hulyo 20.
Ang pagkawala ng naturang salapi ay nadiskubre kahapon ng alas- 6 ng umaga nang pumasok ang kahero na si Levi Almoraza at nang buksan ang kanyang kaha ay wala na ang naturang pera na kinita noong Lunes.
Sinabi ni Torres na maging si Almoraza ay bubusisiin ng QC Police upang matiyak kung wala itong kinalaman sa naturang nakawan.