6 na pulis 'swak' sa Maguindanao masaker

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang pagsailalim sa arraignment ng anim na police officers na sangkot sa Maguindanao massacre ma­tapos na mapatunayang may probable cause para sila ay idiin sa naturang kaso.

Sa limang pahinang ka­utusan ni QC RTC Branch 221 Presiding Judge Joce­ lyn Solis-Reyes, isasailalim sa pagbusisi ng korte ang anim na pulis na sina P/Supt. Ab­dulwahid Pedtucasan, P/Insp. Sukarno Dicay, P/Insp. Abdul Gapor Abad, PO1 Michael Macraongon, PO1 Mohammad Balading at PO3 Rasid Anton dahil napatu­ nayan ng korte na ang mga ito ay nakipagkutsabahan para isagawa ang naturang krimen.

Ang pagbasa ng sakdal sa mga nabanggit ay tinakda ni Judge Reyes sa Hulyo 28, alas-9 ng umaga sa Quezon City Jail-Annex, Camp Ba­gong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Pinawalang-sala naman nito sa kaso ang pulis na si PO1 Johann Draper dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagsasangkot dito.

Binigyang-diin ni Judge Reyes na ang anim na pulis, ay bahagi ng police team sa ilalim ng 1508th Maguin­danao Police Group na pinangunahan ni Dicay na nangasiwa sa check­point kung saan du­maan ay con­voy ng mga bik­tima ng ma­saker.

Sinabi ng hukom na im­posible na walang magagawa ang mga pulis bago at sa panahon, gayundin nung ma­tapos ang krimen na kaila­ngan ang mga ito sa panahon ng emergency.

 “Such inaction could only make one surmise the exist­ence of conspiracy between and among the accused,” dagdag ni Judge Solis-Reyes.

Show comments