Echiverri, Rodriguez nanguna sa League of Cities elections
MANILA, Philippines - Nakopo nina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at San Fernando City Mayor Oscar Rodriguez ang matataas na posisyon sa ginanap na election of officers at general assembly ng League of Cities of the Philippines sa Century Park Sheraton Hotel sa Pasay City.
Nanalong chairman si Echiverri at president naman si Rodriguez.
“Ang panalo naming ito sa League of Cities ay patunay na handa na ang ating bansa para sa tunay na reporma at pagbabago, sa pamumuno ng ating pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III,” deklara ni Echiverri.
Pinasalamatan naman ni Echiverri ang dating pangulo ng League of Cities na si Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr. sa kanyang ipinakitang suporta sa kanila na lalong nagpa-angat sa kanilang tagumpay.
Ang League of Cities ay may 121 miyembro sa buong bansa.
- Latest
- Trending