^

Metro

3 utas sa road mishap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na aksidente ng dalawang mo­ tor­siklo sa lungsod ng Caloo­can at Valenzuela, kahapon ng madaling-araw.

Sa Caloocan City, nakilala ang mga nasawi na sina Jerry Medina, 21, binata, ng no. 37 4th Avenue, West Grace Park; at si Jayvee Jhun Castro, 24, binata, ng No. 110 11th Avenue, ng lungsod.

Nakaratay naman sa Ma­nila­ Central University Hos­pital ang isa pa nilang angkas na si John Robert Castro, 24, resi­dente rin ng 11th Avenue, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Traffic­ Enforcement Unit, bandang alas-11:15 ng gabi habang magkakaangkas ang mga biktima sa Yamaha motorcycle (DQ-8670 ) ng ma­­bangga ng pampasaherong bus (TYJ-898) na minama­neho ni Melvin Doria, 36-anyos sa kahabaan ng D. Domingo Street, malapit sa intersek­syon ng 5th Avenue at C-3 Road sa naturang lungsod. 

Binawian ng buhay sa MCU Hospital sina Medina at Jayvee Castro dahilan sa matinding pinsalang tinamo sa katawan habang nasa kritikal na kondisyon naman si John Robert Castro.

Ku­sang-loob namang su­muko sa pulisya sa mga awto­ridad si Doria na nahaharap nga­yon sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at frustrated ho­micide­.

Sa Valenzuela City, na­sawi naman ang 26-anyos na si Reynan Antonio, ng Rincon Street, Malinta, ng naturang lungsod, maka­raang ma­bangga naman ang minama­neho nitong motor­siklo (NL-145) ng isang Isuzu truck (RDK-472) dakong ala-1 kahapon ng madaling-araw.

Nabatid na binabagtas ni Antonio ang kahabaan ng McArthur Highway sa Brgy. Marulas, Valenzuela papauwi ng kaniyang bahay nang mabangga ng truck. Agad na nasawi ang biktima nang tumilapon sa kalsada at ma­bagok ang ulo.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang driver ng truck na nabigong makuha ang plaka. 

CALOOCAN TRAFFIC

CENTRAL UNIVERSITY HOS

DOMINGO STREET

ENFORCEMENT UNIT

JAYVEE CASTRO

JAYVEE JHUN CASTRO

JERRY MEDINA

JOHN ROBERT CASTRO

MELVIN DORIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with