^

Metro

2 Kelot todas sa ambush

- Nina Ricky Tulipat/Anne Gelley Avillanosa-trainee -

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan ang nasawi makaraang ratratin ng tatlong armadong lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Christopher Francisco, 27 ng 52 Santiago St. Brgy. San Antonio; at Robert Alday, 23 ng Mauban St. Brgy Manresa QC.

Blangko naman ang awotoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspect dahil mabilis itong nagsipagtakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay PO3 Modesto Juanson ng Criminal Investigation and Detention Unit ng Quezon City Police, nangyari ang insidente sa may kanto ng Banawe St. at Linaw St. pasado alas-11 ng gabi.

Ayon sa pahayag ng saksing si Albert Andrew Rodillas, 30, nakatayo lamang sa gilid ng kalsada ang mga biktima nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na sakay ang mga suspek.

Dalawa umano na lulan ng motor ang bumaba at walang sabi-sabing nagbunot ng kanilang mga dalang armas saka pinag­babaril ang mga walang kamuwang-muwang na mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay saka bumalik sa naghihintay na kasamahang nasa motorsiklo ang dalawang suspect na mabilis na tumakas patungo sa Sto. Domingo area.

Nagawa pang maisugod sa Jose Reyes Memorial Hospita­l ­ang mga biktima pero idineklara na ang mga itong dead-on-arrival.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente upang mabatid ang motibo ng nasabing pananambang.

vuukle comment

ALBERT ANDREW RODILLAS

AYON

BANAWE ST.

CHRISTOPHER FRANCISCO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETENTION UNIT

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITA

LINAW ST.

MAUBAN ST. BRGY MANRESA

MODESTO JUANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with