^

Metro

Retiradong PAF, tugis sa panunuhol sa witness sa Maguindanao

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tinutugis na ng mga ope­ratiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang retiradong opisyal ng Philip­pine Air Force (PAF) na itinu­turong nagtangkang manuhol ng P10-milyon sa isang key witness upang bawiin ang kaniyang salaysay kaugnay sa November 23, 2009 Ma­guin­danao massacre.

Sinabi din kahapon ni Atty. Oscar Embido, hepe ng NBI-Internal Affairs Division (IAD), na sinusubukan din nilang kontakin si dating NBI Director Nestor Mantaring upang lina­win ang isyu ng bribery.

Nabatid na inatasan ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang IAD na magsagawa ng imbestigasyon sa reklamo ni Ric Diaz, hepe ng Counter Terrorism Unit (CTU) kaugnay sa tangka umano ni Ret.Col. Antonio Mariano na suhulan ang testigong si Kenny Dalangdag.

Nakapaghain na rin uma­no ng kani-kanilang affidavit si Diaz at dalawang security guard na sina Melbert Jusay at Domingo Bonaobra, na inutusan ng aide de camp ni Mantaring upang samahan si Mariano sa tanggapan ni Diaz noong Hunyo 10, 2010.

Ayon umano sa mga sekyu, hindi nila alam kung ano ang dahilan nang pagbi­sita ni Mariano sa tanggapan ni Diaz.

Naging tugma naman ang salaysay ni Dalangdag sa akusasyon ni Diaz nang sabi­hin nito na may kumokontak sa kanyang pamilya na nag-aalok din ng P20-milyon.

Naniniwala si Embido sa pangako ni Dalangdag na hindi siya uurong sa pag­testigo at tanging hiling lamang umano ang kaligtasan at proteksiyon ng kanyang pamilya. 

AIR FORCE

ANTONIO MARIANO

COUNTER TERRORISM UNIT

DALANGDAG

DIAZ

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

DIRECTOR NESTOR

DOMINGO BONAOBRA

INTERNAL AFFAIRS DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with