Jobless nagbigti

MANILA, Philippines - Uminom muna ng alak, pagkatapos ay nagkape, bago damputin ang isang kumot at idinugtong ang seatbelt saka nagbigti ang isang binata sa loob ng kan­yang tinutuluyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon sa homicide section ng Quezon City Police, wala naman umanong nabanggit na rason ang kaanak ng bik­tima upang magbigti si Gilbert Gaona, 32, maliban sa ka­walan nito ng trabaho.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Modesto Juanson, ang naka­bigting biktima ay natuklasan   ng kanyang kapatid na si Girlie Goana-Fuentes sa may ikalawang palapag ng ka­nilang bahay sa 150-K 10th St., Brgy. East Kamias ganap na alas-9:30 ng gabi.

Sinasabing bago ang in­sidente ay nakipag-inuman muna umano ang biktima sa ilang ka-lugar at nang ma­lasing ay nagpaalam itong uuwi ng bahay para uminom ng kape.

Matapos makapasok ng bahay ang biktima ay hindi na ito nakita pang muli kaya naman pagpunta ni Girlie sa bahay na tinutuluyan ng ka­pa­tid ay bumulaga sa kanya ang una na nakabitin sa kisame.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), wala namang na­kitang ibang bakas ng sugat sa katawan ng biktima ma­liban sa galos sa leeg nito dahilan sa sinturon na itinali niya rito.

Show comments