^

Metro

Habambuhay sa killer-rapist ni Candice Castro

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hinatulan ng reclusion perpetua ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang isa sa dalawang suspect na gumahasa at pumatay sa   isang teller ng bangko noong   2004 sa Malate, Maynila.

Batay sa desisyon ni Judge Reynaldo Alhambra ng branch 53, si Philippe Marcelo ay hinatulang mabilanggo ng habam­buhay matapos na mapatunayang gumahasa at pumatay kay Candice Castro, 23, bank teller sa Metrobank noong May 12, 2004.

Ang isa pang   suspect at itinuturong mastermind na pinag­hahanap pa ng pulisya ay nakilalang si Bienvenido “Bebs” Reyes, Jr. at sinasabing kamag-anak at pamilya ng isang opisyal ng Bureau of Immigration. 

Sa desisyon ng korte, pinagbabayad din si Marcelo ng halos P4 milyon kabayaran sa nagastos at exemplary damages matapos mapatunayang sa naturang krimen.

Hindi naman makapagsalita ang ina ni Candice na si Grace Castro, bagama’t nakikita ang magkahalong tuwa at galit matapos ang promulgation.

Ayon naman kay Atty. Perpetou Lotilla, sapat naman ang naging hatol ng korte upang pagdusahan ni Marcelo ang kanyang karumal-dumal na ginawa bagama’t nakakawala pa si Reyes.

Ipinaliwanag ni Lotilla na sapat na ang mga ebidensiyang nakita sa sapatos at katawan ni Marcelo gayundin ang testi­monya ng mga saksi.

Matatandaang si Candice ay natagpuang patay sa kan­yang condo unit sa Malate Maynila na may 24 na saksak sa katawan.

CANDICE

CANDICE CASTRO

GRACE CASTRO

JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

MALATE MAYNILA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARCELO

PERPETOU LOTILLA

PHILIPPE MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with