2 unibersidad at PDEA nagsanib puwersa
MANILA, Philippines - Ang unibersidad ay kabilang sa pinagtutuunang pansin ng mga otoridad dahil sa may mga estudyanteng nasasangkot sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Kaya naman upang mapa-igting ng mga Anti-narcotics unit ang pagtugaygay dito, sinimulan ng mga ito ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyales ng paaralan, tulad ng Manuel L. Quezon University (MLQU) at Universidad de Manila (UDM) para sa isang adbokasiya sa pagsugpo ng droga.
Sa memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan nina PDEA Director General/Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, at representative ng dalawang paaralan na sina Atty. Eduardo Delos Angeles, President of the Manuel L. Quezon University (MLQU) at Prof. Teofisto P. Arenas, Vice President for Academic Affairs of the Universidad de Manila (UdM) ay layuning magsagawa ng drug awareness programs sa kanilang nasasakupan sa tulong ng nasabing ahensya.
Dagdag ng opisyal, ang educational institutions ay fifth pillar kung saan ang school authorities ang may kakayahang magpatupad ng anti-drug law sa kani-kanilang mga campuses.
Bilang pagbibigay importansya, tatanggapin naman ng PDEA ang mga graduating Criminology students mula sa nasabing mga paaralan na mapapasa-ilalim sa on-the-job training (OJT) na gawin ito sa mga specific offices sa PDEA National Headquarters.
- Latest
- Trending