Libu-libong pasahero na-stranded sa MRT, LRT

MANILA, Philippines - Libu-libong pasa­hero ng Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit Line 1 at Line 2 ang na-stranded sa kahabaan ng EDSA at Taft Avenue makara­ang walang masak­yang tren dahil sa pag­ka­wala ng kuryente, kahapon ng umaga.             

Nagdulot ng matin­ding pagsisikip sa tra­piko sa may EDSA at Rizal Avenue sa Monu­mento, Calo­ocan City ang libong pasa­hero na regular na su­ma­sakay ng LRT Line 1 (Balintawak-Bacla­ran) na umokupa sa ilang lanes ng kalsada sa pag-uunahan sa ma­sa­­­sakyang bus.

Ganito rin ang na­ging sitwasyon sa ibang bahagi ng EDSA na siniserbisyu­han na­man ng MRT 3, parti­kular na sa North Ave­nu­e sa Quezon City.             

Sinabi ni LRTA Administrator Mel Robles na paralisado ang ka­nilang ope­rasyon dahil sa damay sila sa ipina­tupad na blackout ng Manila Electric Company (Meralco).       

Sinamantala na­man ng mga tauhan ng LRTA ang pagbibigay ng dag­ dag na “main­tenance” sa kanilang mga train units at pag­lilinis sa mga riles ha­bang wa­lang ope­rasyon.             

Kinansela naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa mga priba­dong sasakyan na awto­matiko umano nilang ipinatutupad sa mga pagkakataong walang operasyon ang MRT at LRT.

Show comments