^

Metro

Gas leak sa Makati, natuklasan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nilatagan ng kordon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang paligid ng isang gusali sa South Super Highway sa Makati City dahil sa patuloy na pagtagas ng gas sa hini­hinalang pipeline na nakabaon sa ilalim ng lupa.             

Nabatid na dakong alas-8 pa ng umaga nitong nakaraang Lunes nag-umpisa ang “gas leak” nang umalingasaw ang amoy sa base­ment ng West Tower building sa kanto ng South Super­highway at Gen. Del Pilar St., Brgy. Bangkal, Makati. 

Kaagad na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Makati Central Fire Station at Makati Rescue Team na nakipag-ugnayan kaagad kay Architect Vincent Clado, property manager ng naturang gusali na siya na ring gumabay sa mga awtoridad sa basement na pinagmumulan ng gas leak. 

Nang suriin nina Chief Insp. Gerry Berte, Chief Operations Section ng Makati Central Fire, luma­labas na gasoline ang tumatagas na ma­aaring pagmulan ng malaking pagsabog kung may magsi­sindi ng sigarilyo sa naturang lugar. 

Ipinabatid naman kaagad ng lokal na pama­halaan ng lungsod ng Makati sa First Philippine Industrial Corporation (FPIC) ang pagkaka­tuklas sa pagtagas ng gasolina na posibleng nangga­galing sa linya ng kanilang tubo na nagmumula sa Batangas, patungo sa Pan­dacan Oil Depot sa Maynila. 

Inumpisahan na kahapon ang paghuhukay sa tubo na pinagmumulan ng pagtagas upang kum­punihin habang nakabantay ang mga ta­uhan ng Makati Central Fire at Makati Rescue Team sa lugar upang pagbawalan ang sinu­man na maka­pasok sa kanilang kordon.

ARCHITECT VINCENT CLADO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF INSP

CHIEF OPERATIONS SECTION

DEL PILAR ST.

MAKATI

MAKATI CENTRAL FIRE

MAKATI RESCUE TEAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with