^

Metro

Bangayan sa MMDA lumalala

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lumalala na ngayon ang nagaganap na bangayan sa pagitan ng mga matataas na opis­yales ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa labanan sa kapangyarihan habang hindi pa nagtatalaga ng bagong “ap­point­ment” si Pangulong Be­nigno Aquino III.             

Dahil dito, hiniling na ni MMDA Chairman Oscar Ino­centes kay P-Noy na mag­talaga na ng bagong uupong chairman ng ahensya kung hindi siya ang napipisil nito upang matigil na ang gusot sa ahensya at maisa­ayos na muli ang operasyon nito.

Nauna nang inakusahan ni Inocentes sina MMDA Ge­neral Manager Robert Na­cian­ceno at Traffic Operations Director Angelito Vergel De Dios na sina­sabotahe umano ang araw-araw na operasyon ng ahensya dahil sa hindi siya kinikilala na siya pa ring pinuno nito.             

Iniipit umano ang mga papeles na kanyang pipirma­han sanhi ng pagkakaantala ng sahod at allowances ng may 8,000 kawani ng MMDA. Isinisi rin nito kay De Dios ang na­ganap na pagsisikip sa daloy ng trapiko na sinuong ni Pangulong Aquino sa pagdalo nito sa “turn-over ceremony” sa Armed Forces of the Philip­pines (AFP) kamakailan kung saan nagpa­tawag umano ito ng miting sa mga traffic enforcers na hindi alam ni Inocentes kaya walang nag­mando ng trapiko sa EDSA.             

Sinabi ni Inocentes nag-aapura si Nacianceno na umalis na siya sa puwesto ma­tapos na isumite ang kan­yang kahilingan kay Pangu­long Aquino na iupo na siya bilang officer-in-charge ng ahensiya. 

Nilinaw ni Inocentes na kung sakali at alisin siya sa puwesto ni Pangulong Aqui­no, hindi naman si Nacian­ceno ang dapat na maupo bilang OIC dahil mayroon siyang vice chairman sa katauhan ni Cesar Lacuna.

AQUINO

ARMED FORCES OF THE PHILIP

CESAR LACUNA

CHAIRMAN OSCAR INO

DE DIOS

INOCENTES

MANAGER ROBERT NA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with