Estudyante, barangay pinaghahanda vs dengue

MANILA, Philippines - Pinaghahanda ni Acting Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng mga estud­yante, school officials at barangay laban sa sakit na dengue na maaaring uma­take kaugnay ng pagsisi­mula ng tag-ulan.

Ayon kay Moreno, kaila­ngan na panatilihing mali­nis ang paligid ng paaralan at maging ng mga baran­gay upang maiwasan ang anu­mang uri ng sakit parti­kular ang dengue.

Sinabi ni Moreno na ang kanyang aksiyon ay bun­sod na rin ng report na may ma­taas na insi­dente ng dengue sa isang barangay at esku­welahan sa 3rd district.

Giit ni Moreno, kaila­ngan na matukoy ng mga estud­yante at mga baran­gay officials ang mga lugar na pina­mu­mugaran at pi­nag-iitlugan ng mga lamok na nagtatag­lay ng dengue virus.

Paliwanag ni Moreno, ka­ilangan lamang na pana­tilihing malinis ang lugar tulad na rin ng pagtatapon ng mga sirang gulong at ba­sura upang maiwasan ang anu­ mang mga sakit na maa­aring ikamatay ng isang tao.

Ang mga bata ang siya umanong madaling kapitan ng mga sakit na tulad nito kung kaya’t dapat lamang na malinis ang kanilang lugar na gina­galawan.

Show comments