Kelot isinalvage

“Mga holdaper, susunod na kayo”, ito ang karatulang nakasabit sa bangkay ng isang lalaki matapos matagpuan ito na nakasilid sa isang kahon sa Caloocan City kahapon ng umaga. Nakilala ang biktima na si Jimmy Hubalde “alyas Boy Palaka”, 34, ng Phase 8A, Bagong Silang ng lungsod na ito. Sa report ng pulisya, alas-4 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang kahon sa Phase 2, Bagong Silang ng lungsod. Lumalabas na may mga saksak sa likod ang biktima at bakas ng sakal sa leeg kung saan may nakasabit na karton sa leeg nito na nakasaad na “Mga holdaper kayo na ang susunod, kailangan na kayong bawasan mga holdaper at Ulpok ikaw na ang susunod”.   

Show comments