Jobless nag-suicide
Isang 37-anyos na binata ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kaniyang bahay, sa Sta Mesa, Maynila, kahapon ng umaga. Nakilala ang nasawi na si Edward Manalo, walang trabaho at residente ng 2nd St. V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ni Carl Chester, pamangkin ng nasawi na nakabitin ang tiyuhin gamit ang orange na nylon cord sa itaas ng double deck na kama. Nabatid na dakong alas-5:00 ng umaga nang umuwi ang biktima mula sa pakikipag-inuman sa labas ng bahay.
Posible umanong ang nakikita nilang pananahimik ng biktima sa nararamdamang awa sa kaniyang ina na maysakit ang naging dahilan upang magpakamatay ito. “Posibleng iyon ang nag-trigger kung kaya niya ginawa ‘yon..siyempre wala siyang maitulong dahil walang trabaho, ” pahayag pa ng pulisya. (
- Latest
- Trending