Trike driver itinumba ng kapwa driver

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver makaraang tadtarin ng bala ng kapwa nito driver, ka­hapon ng umaga sa Pasig City.

Nakilala ang nasawi na si Mariano Serrano, 37,   resi­dente ng E. Jacinto St., Brgy. Bam­bang, ng naturang lungsod. Pi­nag­­hahanap naman nga­yon ang nakatakas na suspek na nakilala lamang sa panga­lang Jojo Ruiz.             

Sa ulat ng Pasig police, naganap ang krimen dakong alas-7:30 ng umaga sa tapat ng Pasig Mega Market sa Ca­runcho Avenue, Brgy. Malinao, ng naturang lungsod. Nabatid na nakaparada ang biktima at naghihintay ng pasahero nang biglang dumating ang suspek lulan rin ng tricycle nito.             

Agad na bumaba ang suspect na armado ng baril at walang sabi-sabing pinagba­baril ang hindi na nakapormang si Serrano hanggang sa du­guang bumulagta ito nang ubusin sa kanyang katawan ang bala ng kalibre .38 baril.              

Mabilis na tumakas ang salarin lulan ng kanyang tricycle kung saan bigo ang pulisya na madakip ito. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinaga­wang pag­paslang sa biktima.

Show comments