^

Metro

Pabrika ng papel sumabog: 6 sugatan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang anim na tauhan ng isang pabrika ng papel makaraan ang pagsabog na sumam­bulat sa imbakan nito ng ke­mikal, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.             

Ginagamot sa Manila Central University Hospital sina Oscar Moldes, 35; Elmer Blancha, 44; Lolita Saycon at Mario Abay, pawang mga empleyado ng Globe Paper Mills habang hindi pa naki­kilala ang dalawa pang biktima.             

Sa ulat ni Malabon police chief, Sr. Supt. Roberto Villa­nueva, naganap ang pagsa­bog dakong alas-3 ng ma­daling-araw sa loob ng Glove Paper Mills compound sa may Governor A. Pascual Avenue sa Brgy. Potrero.

Nagmula ang pagsabog sa limang palapag na planta na nag-iimbak ng mga kemikal na carbon dioxide at nitrogen sa loob ng compound.

Nabatid na nagtatrabaho sa loob ng compound ang anim na sugatang biktima nang maganap ang pagsabog.             

Nabatid na halos matupok ang buong planta dahil sa sunog habang naapektuhan rin ng pagsabog ang mga bahay sa katabing Golden Ville Subdivision at planta ng tela na Lucky Blue Corpo­ration.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng Bureau of Fire Protection at ng lokal na pulisya upang mabatid kung bakit hinarangan ng mga security guard ng compound ang mga bumbero na makapasok kaagad sanhi upang tuluyang matupok ang gusaling pinag­mulan ng pagsabog. 

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ELMER BLANCHA

GLOBE PAPER MILLS

GLOVE PAPER MILLS

GOLDEN VILLE SUBDIVISION

GOVERNOR A

LOLITA SAYCON

LUCKY BLUE CORPO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with