^

Metro

Ginang itinumba ng 3 armado

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nakadis­palko ng pera ang isa sa mga motibong iniimbestigahan ng pulisya matapos pagbabarilin at mapatay ang isang ginang ng tatlong kalalakihan kama­kalawa ng hapon sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Avelyn Buenaventura, 38, ng Sta. Ana St., Malabon City.

Habang sinusulat ang ba­litang ito blangko pa ang pulisya sa suspek ni Buena­ventura.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas 3:00 ng hapon sa loob ng Bonifacio Market, Caloocan City. Nagla­lakad umano ang biktima, nang lapitan ng mga suspek kung saan isa sa mga ito ang su­mabunot muna sa biktima bago pinagbabaril ng isa pa sa mga ito.

Nabatid kay Chief Insp. Marcelo Mariano, hepe ng follow-up division ng Caloocan City Police na nakatanggap sila ng impormasyon na naka­dispalko ng malaking halaga ang biktima sa isang kaibigan nito na hindi muna pinanga­lanan na posibleng nagpa­patay kay Buenaventura.

vuukle comment

ANA ST.

AVELYN BUENAVENTURA

BONIFACIO MARKET

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHIEF INSP

MALABON CITY

MARCELO MARIANO

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with