2 toneladang double dead meat, nasabat

MANILA, Philippines - Napigilan ng pulisya ang pagkalat ng mga “double dead o bocha” na karne ma­karaang ma­sabat ang 2 tone­lada nito, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.             

Wala namang nadakip ang Pasay City police ma­ karaang abandonahin umano ang pampasaherong jeep (DMV-808) na naglalaman ng bocha, isang patay na baboy at isa pang naghihingalong baboy na hinihinalang may sakit.             

Nabatid sa ulat na nasabat ang naturang jeep dakong alas-11:20 ng gabi makara­ang mapansin ng pulisya na kahina-hinalang nakaparada sa may Edang St., ng natu­rang lungsod malapit sa isang “slaughter house”.              

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Ro­naldo Bernasor kung saan nadis­kubre ang mga karne. 

Sinabi ni Bernasor na hindi na sa mga malalapit sa pa­lengke naglalagi ang mga nagbebenta ng bocha kundi malapit na sa mismong ka­tayan o slaughterhouse upang hindi paghinalaan na mga hot meat ang karga ng kanilang sasakyan.

Show comments