^

Metro

5 Chinese timbog sa P100-milyong shabu

- Ludy Bermudo, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Limang pinaghihinalaang big time Chinese drug dealer ang nasakote ng mga ele­mento ng NCRPO-Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (RAID­­SOTF) kasu­nod ng pag­kakasamsam sa 20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P100-M sa drug-bust ope­rations sa Sta Ana, Manila kamaka­lawa ng gabi. 

Sa report na tinanggap ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa kay NCRPO Chief Director Roberto Rosales, kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Ming Yuan Yuet, 40, tubong Hokien, China; Eugence Co, tubong Hong Kong; Danny Tan, 30 tubong Sze Chuan, China, Aga Co, 33, tubong Fujian, China at Michelle Lee, 24, tu­bong Fujian, China; pa­wang ng 2100 New Pana­deros St., Sta. Ana, Manila.

Bandang alas-10 ng gabi   ng magsagawa ng raid ang NCRPO-RAIDSOTF sa pa­mu­muno ni Supt. Leo Francisco sa Unit 63 ng Eurovilla Homes sa 2100 New Pana­deros St., Sta. Ana, Manila.

Sinabi ni Rosales na bago ito ay nagsagawa ng masusing surveillance operations ang mga awtoridad matapos na makatanggap ng report hinggil sa ilegal na aktibidades ng nasabing mga dayuhang drug dealer. 

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Amor Reyes ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 21 laban kay Lim at isa pa nitong kasamahan na naka­tira sa nasabing unit ng Town Homes sa New Pana­deros, Sta. Ana Manila ng lungsod. 

Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos ma­kor­ner ng mga operatiba ng anti-drug unit.

Ayon sa NCRPO chief nasamsam sa operasyon ang 20 kilo ng methamphe­tamine hydro­chloride o shabu, dala­wang container ng liquid chemical na pinani­niwalaang gina­gamit sa paggawa ng shabu, anim na plastic bags ng kulay kayu­mangging kap­sula, 14 bote ng tig-500 ml Glucose injection, dalawang sets ng rubber tubing, sam­pung assorted glass laboratory apparatus, dalawang sets of rubber tubing; isang telescopic adjustable heater, isang washing machine/dryer, dala­wang electronic weighing scales at P20,000 cash. 

Sa inisyal na pagtaya, sinabi ni Rosales na aabot sa P100 M ang halaga ng mga nasamsam na droga at bulto ng mga ke­mikal nito.

Isinailalim na sa pag­susuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga na­samsam na epektos.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang suspect na isinailalim na sa inquest proceedings sa City Prosecutor ng lung­sod ng Maynila.

AGA CO

ANA MANILA

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF DIRECTOR ROBERTO ROSALES

CITY PROSECUTOR

DANNY TAN

NEW PANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with