MANILA, Philippines - Patay ang isang babae matapos barilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang mga holdaper matapos pumalag ang una sa Caloocan City kahapon ng hapon.
Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang tinatayang nasa edad 30 hanggang 35, mahaba ang buhok, naka-itim na blouse at printed na pants.
Sa report ng pulisya, alas-2:30 kahapon ng hapon, hinoldap ng mga suspect ang biktima sa loob ng Bonifacio Market, sa Monumento ng lungsod na ito.
Nanlaban ang biktima na naging dahilan upang pagbabarilin ng isa sa mga suspect bago nagsitakas dala ang bag ng biktima.
Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.