^

Metro

Banggaan ng 2 kotse: Negosyante dedo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang iniulat na nasawi makaraan ang salpukan ng dalawang sasakyan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Rodolfo Lingan, 52, ng 43-D, Matapat St., Brgy. Pinyahan sa lungsod.

Ang nakabanggaan na­man nitong Mercedez Benz ay mi­namaneho naman ng isang Gismundo Tameta Jr., 40, family­ driver ng St. Anthony Anti­polo City.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng C.P Garcia St., harap ng Daan Tubo Area, Brgy. UP campus pasado alas-5 ng hapon.

Bago ito, sakay umano ng minamanehong Mercedez Benz MB 100 van (UKB-738) si Tameta at tinatahak ang C. P Garcia St., papunta sa di­rek­­syon ng Velasquez St., patu­ngong Katipunan Avenue nang biglang sumulpot galing sa opposite direction ang mi­nama­nehong Toyota Altis (XGG-321) ng biktima at sumalpok sa una.

Sa lakas ng impact, kapwa nawasak ang dalawang sa­sak­­yan na naging ugat upang magtamo ng matinding sugat ang biktima.

Agad namang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center si Lingan ngunit idi­neklara din itong patay. Pa­tuloy ang pag­sisiyasat ng awtoridad sa na­sabing insi­dente.

BRGY

DAAN TUBO AREA

GISMUNDO TAMETA JR.

KATIPUNAN AVENUE

MATAPAT ST.

MERCEDEZ BENZ

P GARCIA ST.

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

RODOLFO LINGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with