^

Metro

Anak ng ex-Chief Justice, Comelec director huli sa wangwang

-

MANILA, Philippines - Anim katao kabilang ang anak ng dating Supreme Court Justice­ at isang Comelec official ang nasampolan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang operasyon laban sa wangwang.

Kabilang sa kinumpiskahan ng sirena o wangwang sina Rafael Claudio III Tehankee, anak ni dating Supreme Court Chief Justice­  Claudio Tehankee; Divina Flores, director ng Comelec ; Yan Kit Benny Wong, isang NBI interpreter; Myra Nayo ng Binondo, Maynila,  Suh Na Lim ng   Binondo at  Joana Lim Ranoco ng Pasay City.

Ayon sa ulat, unang isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Plaza Cervantes, Binondo  at naulit  dakong ala-1:00 kama­kalawa ng hapon sa kanto ng Taft Ave., at Qurino Ave at kanto ng Palanca at Casal St., sa Quiapo, Maynila.

Samantala, hinamon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Alberto Suansing ang mga regional officers ng ahensiya na magbitiw sa tungkulin kung takot at ayaw manghuli ng sasakyan ng mga government officials na gumagamit ng wangwang.

Sinabi ni Suansing na walang dahilan para manatili pa sa kani­lang posisyon ang mga opisyales ng LTO kung takot ang mga itong maipatupad ang batas. Ang pahayag ni Suansing ay ginawa nang iulat sa kanya ng kanyang mga regional directors na takot silang hulihin ang mga sasakyan ng mga government officials na may wangwang dahil baka sila ay mapag-initan at malagay sa panganib ang kanilang buhay. Ludy Bermudo at Angie dela Cruz

BINONDO

CASAL ST.

CHIEF ALBERTO SUANSING

CLAUDIO TEHANKEE

COMELEC

DIVINA FLORES

JOANA LIM RANOCO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LUDY BERMUDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with