Manu-manong bilangan sa Maynila, pinaboran ng Comelec

MANILA, Philippines - Pinaboran ng Commission on Election (Comelec) First Division ang petisyon ni dating Manila Mayor Lito Atienza na magkaroon ng manu-manong bilangan sa mga balota sa naging eleksyon sa Maynila dahil na rin sa ilang naiulat na iregularidad na nagbigay-daan para maging kuwestiyu­nable ang naging resulta ng local election sa lungsod.

Bunsod nito kaya’t ibina­sura ng Comelec ang motion ni Mayor Alfredo Lim na humihiling na ibasura ang petisyon ni Atienza na mag­karoon ng manu-manong bila­ngan dahilan sa kawalan ng merito.

Sa desisyon na ipinalabas kahapon ni Comelec Com­mis­sioner Rene Sarmiento ng First Division, sinabi nito na kumpleto ang mga ebiden­syang inihain ng kampo ni Atienza at may batayan para isagawa ang manual count.

“Atienza’s protest has sub­stantially complied with Section 7, Rule 6 of Comelec Resolution No. 8804 which requires a pro­test to contain a detailed speci­fica­tion of the acts or omission complained of showing the elec­toral frauds, anomalies or ir­regu­larities in the protested pre­cincts,” ayon pa kay Sarmiento.

Sa kanyang kautusan, sinabi ni Sarmiento na ang mga alegasyon ng dayaan at iregu­laridad sa eleksyon sa Maynila noong Mayo 10 na pinatunayan ng mga inihaing ebidensya ay pawang ser­yoso at nanganga­ilangan ng kasagutan sa pa­mamagitan ng pagbubukas lamang­ ng ballot boxes.

Dahil sa gagawing manual count sa Maynila ay iniutos na ng Comelec na i-deliver sa ahensya ang mga ballot boxes na kasa­lukuyang na­katabi sa Museong Pambata sa Roxas Blvd. upang masi­mulan na ang recount. Mata­tandaan na una nang kinuwes­tiyon ni Atienza ang may 1,441 clustered pre­cincts na ginamit noong May 10 dahil na rin sa mali at hindi tug­mang resulta nito sa Pre­cinct Count Optical Scan (PCOS) ma­chines na siyang ipi­nadala naman sa City Board of Can­­vassers.

Show comments