^

Metro

Superkalan sumabog: 9 sugatan-

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nalapnos ang katawan ng siyam na katao kabilang ang isang sampung-buwang sang­gol makaraang sumabog ang isang liquefied petroleum gas (Superkalan) sa Quezon City kamakalawa.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang magkaka­pit­bahay na biktima na sina Richan Retiro, 30; Juicy Reyes, 41; Jaypee Bansuelo, 12; Jonnabel Bansuelo, 36; Jayson Lloyd Ballera, 11; Wilson Retiro; Erica Retiro, 10; Richard Obella 27; at Richan Retiro Jr., 10 monts old; kapwa residente ng Sitio Belmonte Road, Brgy. Pag-asa sa lungsod.

Ayon sa ulat na nakarating sa Criminal Investigation and Detention Unit ng Quezon City Police District, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa bahay ng biktimang si Richan Retiro Sr.

Nabatid sa imbestigasyon na magluluto ng tanghalian ang biktimang si Retiro nang sindi­han nito ang Superkalan. Sa ’di malamang kadahila­nan, bigla na lamang itong su­ma­bog hanggang sa magdulot ito ng apoy na tumupok sa ibang bahagi ng bahay at ikinasugat ng mga biktima.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETENTION UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERICA RETIRO

JAYPEE BANSUELO

JAYSON LLOYD BALLERA

JONNABEL BANSUELO

JUICY REYES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHAN RETIRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with