^

Metro

Buntis na nene, patay sa saksak

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na dalagita na anim na buwang buntis ang nasawi pati ang sanggol sa sinapupunan   nito matapos na pagsasaksakin ng isang construction worker sa loob ng isang palengke sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa   Pagamutang Lungsod ng Ma­labon (PLM) si Joanna Marie Tiongson, residente ng Panti­han 2, Barangay Flores ng nasabing lungsod at binawian din ng buhay ang sanggol sa sinapupunan nito.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang mga kagawad ng Malabon City Police laban sa suspek na na­kilala lamang sa pangalang alyas “Ramil”, nagtatrabaho sa Hulong Duhat Public Market at naninirahan naman sa Ca­loocan City.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon ng Station Investi­ga­tion Divi­sion (SID) ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa loob ng Hulong Duhat Public Market, Malabon City.

Ayon sa pahayag ng ka­patid ng biktima na si Jhaysar, 16; bago ang insidente ay na­rinig niyang sumisigaw ang utol na humihingi ng tulong.

Agad umano niyang pi­nun­­­tahan ang kapatid at habang papalapit ay nakasa­lubong nito ang suspek na papalabas ng nasabing pami­lihan at nagma­madaling su­ma­kay ng pampa­saherong jeep.

 Inabutan ni Jhaysar ang biktima na namimilipit at duguan dahil sa mga saksak na tinamo nito, humingi ng tulong ang bina­tilyo upang dalhin sa na­banggit na pa­gamutan ang biktima subalit hindi na naisalba ang buhay nito.

Patuloy pa ang iimbesti­gahan ng pulisya para alamin ang motibo ng pananaksak sa biktima.

vuukle comment

BARANGAY FLORES

HULONG DUHAT PUBLIC MARKET

JHAYSAR

JOANNA MARIE TIONGSON

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

PAGAMUTANG LUNGSOD

SHY

STATION INVESTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with