^

Metro

Mag-syota hubo't hubad, patay sa loob ng kotse

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kapwa hubad at wala nang buhay nang matagpuan ang magkasintahang teen­ager sa loob ng isang kotse sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Kinilala ni Chief Insp. Ben­jamin Elenzano Jr., hepe ng Homicide Section ng Quezon City Police ang mga nasawi na sina John Edward Aguirre, 18, binata, 1st year student   sa Letran Manila, at residente ng Villanova Sub­division, No­valiches; at ang kasintahan nitong si Basil, 15, high school student ng Da­mong Maliit Road, No­valiches.

Ayon kay Elenzano, ma­aring nakalanghap ng carbon monoxide ang mga biktima habang nasa loob ng sasak­yan dahil ang naturang kemi­kal sa sandaling malanghap ay magdudulot ng pagka­manhid ng kanilang katawan at kawalan ng malay.

“Kasi ’yung sasakyan nila nakaparada malapit sa pader, eh umaandar, so ang ten­dency ’yung usok na luma­labas sa tambutso na may kemikal ang nalalang­hap naman ng mga biktima ma­tapos mahi­gop ng aircon at kahit nasa loob ay hindi mo ma­mamalayan kung kaya ganoon ang posib­leng nang­yari,” paglilinaw ni Elenzano.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Neil Garnace, ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, natagpuan ang walang buhay na katawan ng mga biktima sa loob ng isang Toyota Corona (TMY-240) habang nakapa­rada sa may garahe ng bahay ni Aguirre ganap na alas-7 ng gabi ng isang Paz Tesoro, guardian ni Aguirre.

Bago ito, ang magkasin­tahan ay huling nakitang nag-uusap ganap na alas-3 ng hapon sa may terrace ng bahay ni Aguirre.

Ganap na alas-7 ng gabi, habang hinahanap ni Paz ang kanyang alaga, napuna nito na umaandar ang engine ng nasabing kotse habang naka­parada sa corner ng garahe. Lalo pang pinagtaka ni Paz, ang kotse ay may “car cover” habang umaandar.

Dala ng kuryosidad ay inalis niya ito kung saan bu­mulaga sa kanya ang mga biktima habang kapwa hubad na walang malay na nakahiga sa likuran ng kotse.

Dahil dito, mabilis na hu­mingi ng tulong si Paz sa ilang concerned citizen at isinugod sa magkahiwalay na ospital, ang Divine Heart Medical Service at Drueco Clinic kung saan kapwa idineklarang patay ang mga ito.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), walang nakitang sugat sa katawan ng mga biktima.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa na­sabing insidente.

AGUIRRE

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

DIVINE HEART MEDICAL SERVICE

DRUECO CLINIC

ELENZANO

ELENZANO JR.

PAZ

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with