P5-M ari-arian tupok sa sunog
MANILA, Philippines - Tinatayang umaabot sa P5 milyon ang halaga ng natupok sa sunog na sumiklab kung saan tatlong katao din ang nasugatan kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.
Sa ulat ng Pasig Fire Department, 50 pamilya ang sinasabinig nawalan ng tirahan sa sunog na naganap dakong alas-2:25 ng madaling-araw.
Isinugod naman sa Pasig City General Hospital dahil sa tinamong 2nd degree burn sina Feliza Lavena, 76; anak na si Ismael, 37 at Fermin Bolanduy, 30, pawang mga nakatira sa no. 239-Concepcion St. Bgy. Santolan, ng naturang lungsod kung saan nagsimula ang sunog.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumilitaw na sumiklab ang sunog sa unang palapag ng bahay ng mga Lavena at mabilis na kumalat hanggang sa madamay ang mga katabing bahay na pawang yari sa mga light materials.
Nahirapan namang makalabas ng bahay ang tatlong biktima na noo’y natutulog nang sumiklab ang apoy.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan naapula lamang ito dakong alas-3:29 na ng mga madaling-araw.
- Latest
- Trending