^

Metro

Inidoro, lababo tinangay ng talunang konsehal

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ikinagulat ng marami ang kinahinatnan ng ku­warto ni Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang nang ma­diskubre na bi­naklas ni dating­ 2nd District Councilor Ivy Varona ang mga gamit na nakalagay at nakakabit sa Room 461 na dating tang­gapan nito kabi­lang na ang   inodoro, lababo at pin­tuan ng banyo.

Dahil dito, naging tam­pulan ng kuwento ng kan­yang mga kapwa mga kon­sehal ang ginawang pag­tangay ni Varona ng mga konkretong gamit na nagging dahilan ng pag-alinga­saw ng mabahong amoy na nanggagaling sa banyo.

Nabatid kay Ang na binigyan ng pagkakataon ang mga nanalong konsehal na mamili ng kanilang ma­giging kuwarto.

Dahil isang beteranong konsehal, hinayaan ni Ang na maunang mamili ng kuwarto ang kanyang mga kasamang nanalong kon­sehal hanggang sa matira sa kanya ang ku­warto ni Varona na natalo sa na­karaang eleksiyon.

Hindi naman makontak si Varona hinggil sa isyu.

Ayon sa mga nakausap ng Pilipino Star Ngayon, nagulat ang lahat nang ma­laman na hindi pa maaaring okupahan ang kuwarto dahil wala itong inodoro, lababo maging pinto ng banyo.

Tinanggal din umano ng kampo ni Varona ang sa­lamin na nakakabit sa pader, kisame, switch ng ilaw , light bulbs at door closer.

Iniwan din ng kampo ni Varona ang tambak na basura.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang magagastos upang maayos ang natu­rang opisina ni Ang.

Isa si 4th District Councilor Honey Lacuna sa mga nagulat sa iniwang tangga­pan ni Varona.

AYON

DAHIL

DISTRICT COUNCILOR BERNARDITO ANG

DISTRICT COUNCILOR HONEY LACUNA

DISTRICT COUNCILOR IVY VARONA

PILIPINO STAR NGAYON

SHY

VARONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with