Operasyon ng Angat Dam suspendido ng 3 araw

MANILA, Philippines - Sa darating na linggo, tatlong araw na titigil muna ang operasyon ng Angat dam sa Bulacan dahil sa patuloy na pagbaba ng water level nito.

Ayon kay Angat Dam general manager Rodolfo German, ang water reservoir ay suspendido muna mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 9 upang maprotek­tahan ang turbine blades ng dam at ma­ipahinga muna ang makina nito.

Gayunman, tiniyak ni German na hindi naman ma­aapektuhan ang suplay ng tubig sa Metro Manila ba­gamat tatlong araw na tigil ang operasyon ng natu­rang dam.

Ang Angat Dam ang pa­ngunahing nagsusuplay ng tubig sa metro Manila.

Umaasa rin si German na magkaroon na ng sapat na dami ng ulan na mag­papa­ taas ng water level sa dam.

Show comments