Sa pagbubukas mg Konseho: Ipapasang ordinansa dadami - Manila Councilor
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng tiwala si Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang na maraming maipapasang ordinansa sa 8th city council kung saan makikinabang ang mas nakararaming Manilenyo.
Ayon kay Ang, sisikapin niya at ng kanyang mga kasamahang konsehal na maipasa ang mga ihahaing ordinansa sa konseho na makatutulong sa kabuhayan ng mga taga-Maynila.
Sinabi ni Ang na magiging maayos ang konseho ngayon dahil ang iniluklok ng mga residente ng Maynila ay may puso at utak.
Aniya, ang kanyang pagbabalik sa konseho ay indikasyon lamang na hindi pa siya nalilimutan ng kanyang mga ka-distrito at malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya. Dahil dito, sinabi ni Ang na hindi naman niya bibiguin ang kanyang mga nasasakupan at maging residente ng ibang distrito.
Kasabay nito, sinabi ni 3rd District Councilor Re Fugoso na kailangan na muling maihain ang mga ordinansa upang agad na mapag-aralan sa konseho.
Aniya, batay sa regulasyon, kailangan na munang ire-file ang anumang ordinansa kahit pa nasa 3rd reading.
Samantala, ipinahayag din ni Fugoso na malaki ang kanyang tiwala sa tandem nina Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno na matutupad ang mga proyekto sa Maynila.
Prayoridad nina Lim at Moreno ang edukasyon at kalusugan sa Maynila kung kaya’t dapat lamang suportahan ng konseho.
- Latest
- Trending