^

Metro

6 sapol sa kidlat: 1 patay

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isa ang namatay ha­bang limang iba pa ang nasugatan makaraang masapol ng kidlat kahapon sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Christian Peñalosa, 24, binata, scavenger ng Phase-7, Purok-16 Payatas-B, QC habang patuloy na gina­gamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) at Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang mga nasugatan sa insidente na sina Janet Cumalingking, 21, Vergie delos Santos, 56; CheChe Ocho, 25; Menchie Baro, 36; may-asawa at Jesus Diones Sotto, 26; pawang mga scavenger din sa naturang lugar.

Sa ulat ni PO3 Pascual Fabreag ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na­ganap ang insidente da­kong ala-1:45 ng hapon sa Payatas dumpsite sa Bgy. Payatas-B, Q.C.

Sinasabing nakaupo ang anim na biktima sa lugar at habang nagkuku­wentuhan at hinihintay ang parating na mga dump truck nang biglang bumu­hos ang malakas na ulan doon at saka kumidlat.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente na sina Louis Arogante at Jerry Morales, kasabay ng malakas na ulan ang pagkidlat hang­gang sa tinamaan ang mga biktima at tumilapon ng ilang metro.

CHRISTIAN PE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JANET CUMALINGKING

JERRY MORALES

JESUS DIONES SOTTO

LOUIS AROGANTE

MENCHIE BARO

PASCUAL FABREAG

PAYATAS-B

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with