2 holdaper kinuyog ng taumbayan

MANILA, Philippines - Kalaboso ang da­la­wang holdaper mata­pos kuyugin ng su­mak­lo­long taum­ba­yan ilang minuto pag­karaan ni­tong holdapin ang isang taxi driver sa Sta. Cruz. Manila kaha­pon ng ma­daling-araw.

Humihimas ng re­has na bakal ang mga suspect na sina Ed­­ win Dequito, 20, drop out sa   Manila High School at Ron­nes Sencio, 22. bode­gero, kapwa resi­dente ng Baseco, Port Area, Maynila dahil sa rek­lamo ni Francisco de Luna, taxi driver.

Nakatakas naman ang isa pang suspect na kinilala sa alyas na “Junior” ang may bitbit uma­no ng pitaka na may lamang pera na kinita ng biktima.

Sa ulat ni SPO3 Joaquin de Guzman ng MPD-Station 11, da­kong 2:30 ng ma­daling-araw nang ma­aresto ang mga suspect sa harapan ng Sta Cruz church.

Sinabi ng biktima na sumakay ang 3 sus­pect sa Port Area at sa pag­tapat sa may sim­bahan ay nag­dek­lara ng hol­dap ha­bang nakatutok sa leeg niya ang patalim ni Dequito. Kinuha ni Sensio ang kaniyang wallet na may lamang 2,000.

Nang makati­yem­po ang biktima ay binunot nito ang susi ng kan­yang taxi at mabilis na lumabas at humingi ng saklolo.

Mabilis na sumak­lolo ang taumbayan na ki­nabibilangan ng kap­wa mga driver ng bik­tima na humabol at umaresto sa mga suspect subalit mabilis na nakatakas ang isa pa.

Show comments