Waiter nag-suicide sa selos

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na lalaki ang nasawi ma­tapos itong lumagok ng silver cleaning solution dahilan sa matinding selos sa kanyang live-in partner na isang Guest Relation Officer sa pi­na­pasukan nitong club sa Malabon City kaha­pon.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Jonathan Amoroto, stay-in waiter sa Jun Liza Videoke sa Estrel­la st., Barangay Ta­ñong ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na alas-12:00 ng tanghali naganap ang insidente, lasing na kinokompronta ng sus­pek ang ka-live-in na si Neresa Suan, GRO ng naturang club, sa loob ng kanilang ku­warto sa nasabing beer­house dahil nagseselos si Amoroto sa isa sa mga costumer ni Suan.

Upang hindi na hu­maba ang pagtatalo ay lumabas ng ku­ warto ang babae su­balit ti­nung­ga na ni Amoroto ang isang bo­telya ng silver cleaning solution.

Isang kasamahan ang nakakita sa pa­mi­­­mi­lipit at pagbula ng bi­big ng biktima, na na­­ging dahilan upang dalhin sa na­banggit na paga­mutan.

Show comments