Waiter nag-suicide sa selos
MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na lalaki ang nasawi matapos itong lumagok ng silver cleaning solution dahilan sa matinding selos sa kanyang live-in partner na isang Guest Relation Officer sa pinapasukan nitong club sa Malabon City kahapon.
Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Jonathan Amoroto, stay-in waiter sa Jun Liza Videoke sa Estrella st., Barangay Tañong ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na alas-12:00 ng tanghali naganap ang insidente, lasing na kinokompronta ng suspek ang ka-live-in na si Neresa Suan, GRO ng naturang club, sa loob ng kanilang kuwarto sa nasabing beerhouse dahil nagseselos si Amoroto sa isa sa mga costumer ni Suan.
Upang hindi na humaba ang pagtatalo ay lumabas ng ku warto ang babae subalit tinungga na ni Amoroto ang isang botelya ng silver cleaning solution.
Isang kasamahan ang nakakita sa pamimilipit at pagbula ng bibig ng biktima, na naging dahilan upang dalhin sa nabanggit na pagamutan.
- Latest
- Trending