^

Metro

Parak patay sa pagresponde sa holdapan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang kagawad ng Quezon City Police makaraang pagbaba­rilin ng hindi nakikila­lang mga salarin ha­bang rumeresponde sa insidente ng robbery/holdup sa lung­sod kahapon ng ma­daling-araw .

Ang biktima ay kinilalang si SPO1 Arturo Jacildo Ortiz, 53, may-asawa at na­kadestino sa Batasan Police Station 6, Que­zon City Police Department, ng Brgy. Payatas B sa lungsod.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Que­zon City Police upang matukoy at ma­pana­got sa batas ang mga salarin.

Ayon sa pagsisiya­sat nina PO2 Jose Ro­land Belgica at PO2 Loreto Tigno ng CIDU, nang­yari ang insi­dente sa may harap ng Commonwealth Pla­za, Com­mon­wealth Ave­nue, Barangay Commonwealth, ganap na alas 3 ng madaling-araw.

Kasalukuyang nag­pa­patrulya ang biktima kasama si PO3 Jayson Divina sakay ng isang multicab (SR-15) at nagpapagkarga ng ga­solina nang lapitan sila ng ilang concerned citizen at sinabihan silang may dalawang lalaki na sangkot sa hol­dapan sa lugar.

Mabilis namang nag­­­responde ang da­la­wang pulis na nama­taan ang dalawang suspect habang tuma­takbo sa pagtakas.

Dahil dito, agad na bumaba ang dalawang pulis sa kanilang sa­sak­yan para habulin ang mga suspect.

Ayon kay Divina, ilang saglit pa big­lang umalingawngaw ang mga putok ng baril at paglingon niya sa li­kuran ay na­kita na lang niya si Ortiz na naka­bulagta at may tama ng bala sa ulo.

Ang biktima ay bi­na­wian ng buhay da­kong alas-5:26 ng ma­daling-araw sa Far Eastern University Hos­pital.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol. With trainee Jas­tine Angelo Don.

ANGELO DON

ARTURO JACILDO ORTIZ

AYON

BATASAN POLICE STATION

CITY POLICE

CITY POLICE DEPARTMENT

COMMONWEALTH PLA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

FAR EASTERN UNIVERSITY HOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with