^

Metro

QC officials, nanumpa sa tungkulin

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pormal nang nanumpa kahapon sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Quezon City sa Liwasang Aurora sa loob ng QC Me­morial Circle na pinanguna­han ni Chief Justice Renato Corona.

Ang oath taking ceremony ay pinangunahan ni QC Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at mga Congressmen na sina Feli­ciano “SB” Belmonte (4th district), Bingbong Crisologo (1st district), Winston Castelo (2nd district) at Bolet Banal (3rd district) kasama ang mga konsehal ng apat na distrito ng lungsod.

Ayon kay Congressman Belmonte karapat-dapat si Bautista na maging ika-11 alkalde ng lungsod dahil sa mahusay nitong panunung­kulan bilang bise alkalde.

Samantala, inamin din ni Belmonte sa panayam na ga­gawin nilang pito o walo ang distrito ng Quezon City dahil sa laki ng populasyon ng lungsod.

Aniya, mas malaki ang QC sa Maynila na may anim na distrito kung kaya’t dapat lamang na madagdagan ang distrito ng lungsod Quezon.

Sinabi naman ni Vice Mayor Belmonte na pag- aaralan nilang mabuti kung alin sa mga distrito 1 hang­gang 4 ang hahatiin. Isa na anya ang District 2 na kasama sa hahatiin dahil sa dami ng sakop nitong populasyon.

Ayon naman kay Bautista, itutuloy niya ang magandang nasimulan ni Congressman Belmonte sa pagkakaloob ng mahusay na serbisyo sa mga taga-lungsod.

Higit anyang pagbubutihin ng kanyang administrasyon ang pagkolekta ng buwis upang mapanatiling “richest city” ang QC sa hanay ng mga lokalidad sa bansa.

Prayoridad anya ng kan­yang pamunuan na unahin ang mga programang pang kalikasan, pabahay para sa mga taga-lungsod at gumamit ng makabagong teknolohiya na makakatulong sa pagpa­paunlad pa ng QC.

Tiniyak din ni Vice Mayor Bel­monte na tutulungan niya si Bautista na palakasin ang turismo na siyang may ma­la­king tulong para mabigyan ng mahusay na serbisyo ang mga taga QC.

AYON

BAUTISTA

BELMONTE

BINGBONG CRISOLOGO

BOLET BANAL

CONGRESSMAN BELMONTE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with