^

Metro

Balasahan sa MPD, city hall nakaamba

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nakatakda nang ipatu­pad sa susunod na linggo ang bala­sahan sa mga station commanders ng Manila Police District at ma­ging sa Manila City Hall.

Ito ang nabatid kahapon kay Ric de Guzman, chief of staff ni Manila Mayor Alfredo Lim, kung saan hinihintay na lamang ang ipadadalang per­formance evaluation ng mga opisyal mula sa tang­gapan ni MPD Director Chief Supt. Ro­dolfo Magtibay.

Kasabay nito, nabatid na muling ibabalik sa Manila­ City Hall ang tang­ga­pan ng Dis­trict Special Project Unit ng MPD na pinamumunuan ni Chief Insp. Marcelo Reyes.

Ang nabanggit na tang­gapan ang nagsisilbing “po­lice arms” ng alkalde na siyang na­nga­ngasiwa sa pagtugon sa mga reklamo ng ma­mamayan. Irereko­menda si Sr. Supt. Alex Guttierez, na kasalukuyang D-4 sa MPD na papalit kay Magtibay.

Tiniyak ni de Guzman, na maraming station com­manders ang masasama sa re-shuffle, pagkatapos na maisumite ang mga ac­complish­ment report ng mga station commanders.

Bukod dito, magsasa­gawa din ng re-shuffle sa hanay ng mga opisyal sa city hall upang mas maging epektibo ang pagbibigay ng serbisyo sa Manilenyo.

Ayon sa isang opisyal ng city hall, maraming na­ka­pu­westo ang hindi na­man epek­tibo at hindi tumutugon sa reklamo ng publiko.

Aniya, dapat na aksiyu­nan ng bawat opisyal ang rekla­mong inihaharap sa kanyang tanggapan lalo pa’t itinalaga siya ni Lim dahil na rin sa tiwala at ka­pasidad.

ALEX GUTTIEREZ

CHIEF INSP

CITY HALL

DIRECTOR CHIEF SUPT

GUZMAN

MAGTIBAY

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with