Pulis todas sa viagra
MANILA, Philippines - Isang pulis ang nasawi nang kapusin sa paghinga matapos uminom ng tabletas na pampagana sa pakikipagtalik habang kasama ang isang hindi pa nakikilalang babae sa loob ng isang motel sa Caloocan City kahapon ng madaling- araw.
Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital si PO3 Ramil Verano, 42 ng District Mobile Force ng Northern Police District at residente ng Salmon St., ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala 1:30 ng madaling-araw, nang mag-check-in ang biktima kasama ang isang hindi pa nakikilalang babae sa Rm. 17 ng Marsman Motel, na matatagpuan sa Rizal Avenue, Caloocan City.
Makalipas ang isang oras ay tumawag sa front desk ang babae at sinabing kinakapos sa paghinga ang pulis na naging dahilan upang dalhin sa nabanggit na pagamutan.
Nakuha sa kuwarto ang isang Chinese medicine na pampagana sa sex na sinasabing ininom ng biktima.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang kasama ni Verano upang mahingan ng pahayag hinggil sa insidente.
- Latest
- Trending