MANILA, Philippines - Patuloy na huhulihin ng mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) ang mga taong walang ‘K’ na gumagamit ng serena sa pagmamaneho ng kanilang sasakyan sa mga lansangan.
Ito naman ang tugon ni LTO Chief Alberto Suansing sa pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang inaugural speech kahapon na bawal na ang wangwang sa mga lansangan.
Ayon kay Suansing hindi na mag-aatubili pa ang mga enforcers na ipatupad ang pagbabawal at paghuli sa gagamit ng serena. Sinabi ni Suansing na alinsunod sa batas, hindi naman pinapayagan ng LTO ang mga ordinary car owners na gumamit ng wang-wang o serena kaya’t patuloy na hinuhuli ito ng ahensiya.
Tanging ang mga ambulance, fire trucks, patrol cars at mga emergency cases ang maaaring gumamit ng serena.