^

Metro

Inagurasyon ni P-Noy payapa - NCRPO

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Naging mapayapa ang inagurasyon ni Pa­ngu­long Benigno Aquino III na in­dikasyon na naging epek­tibo ang seguridad na ipi­natupad ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) katu­wang ang iba pang ahen­sya ng pa­mahalaan.

Maliban sa narekord na dalawang insidente ng pan­­durukot sa Luneta, naging matiwasay naman ang panunumpa ni Aqui­no at ni Bise-Presidente Jejomar Binay.

Ayon kay NCRPO chief Director Roberto Rosales, umaabot sa 600,000 ang “estimated crowd” na nag­tungo sa Luneta upang sak­sihan ang pagluluklok sa ika-15 Pangulo ng bansa.

Kabilang sa naging hamon sa pulisya ang pagbibigay ng proteksyon sa 110 foreign dignitaries kabilang si East Timor Pre­sident Jose Ramos-Horta na sumaksi sa okasyon.

“We encountered no problem in Aquino’s oath-taking. The traffic went smoothly, especially in our courtesy lane and the criminal activities were totally checked,” ayon kay Ro­sales matapos magpa­kalat ng 3,200 pulis sa bisinidad ng Luneta.

Ipinagmalaki pa nito na nasiyahan umano ang mga dayuhang delegado parti­kular na ang mga nanggaling sa Canada sa seguridad na kanilang ibi­nigay mula airport hang­gang sa Quirino grandstand.

Mapayapa rin namang nabuwag ng NCRPO ang isang grupo ng mga rali­yista na nagsagawa ng demonstrasyon sa Sala­manca Park kasabay ng panunumpa ni Pangulong Aquino.

AQUI

BENIGNO AQUINO

BISE-PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

EAST TIMOR PRE

JOSE RAMOS-HORTA

LUNETA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PANGULONG AQUINO

ROBERTO ROSALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with