MANILA, Philippines - Ipatutupad ngayon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Metro Rail Transit Authority (MRTA) ang libreng sakay kasabay ng inagurasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Mag-uumpisa ang libreng sakay ng LRT Line 1 (Baclaran-Balintawak), Line 2 (Recto-Santolan) at MRT 3 (Edsa North-Taft Avenue) mula alas-7 ngayong umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ayon sa MRTA at LRTA, ang pagbubukas sa publiko ng naturang mga “rail system” ay upang mas lalong maraming Filipino ang makatungo at makasaksi sa inagurasyon ng ika-15 Pangulo ng bansa sa Luneta Grandstand.
Inaasahang dadagsain ng mga VIP at foreign dignitaries ang inagurasyon ni Pnoy.
Sinabi ng LRTA at MRTA na bihirang pagkakataon lamang na masaksihan ng personal ng publiko ang inagurasyong tulad nito kung kaya’t ibinibigay na rin nila ang pagkakataon lalo pa’t idineklarang holiday ngayon.
Umaasa din ang LRTA at MRTA na patuloy ang pag-unlad ng bansa sa ilalim naman ng administrasyong Aquino.