^

Metro

Nakaw na antique na santo, nabawi

- Ni Ludy Ber­mudo -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 40-anyos na lalaki matapos ituro na nagbebenta ng isang antique at nakaw na imahe ng santo mula sa isang chapel sa Makati City sa isinagawang operasyon ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, May­nila.

Bukod sa imahe ng Jesus Christ, tatlo pang antique na estatwa ng santo ang narekober mula sa arestadong si Elmerado Peredo, ng 3587 Lubiran St. Sta. Mesa, Maynila bunsod na rin sa reklamo ni Pedro Palomares ng 3671 Batas St., Bacood, Sta. Mesa.

Ayon sa pulisya, kadu­da-duda umano ang pagbe­benta ni Peredo ng santo kay Palomares sa ha­lagang P20,000 na naging daan upang isagawa ang ope­ras­yon ng MPD-Station 8, da­kong alas-8:00 ng gabi.

Agad namang nagsasa­gawa ng imbestigasyon ang pulisya at nadiskubre ang nasabing santo na ninakaw sa San Fabian Chapel sa Makati City noong Hunyo 27, 2010.

Napag-alaman na ang tatlo pang imahe ng santo ay ninakaw naman ng suspect sa St. Anthony De Pa­dua, San Roque at Saint Joseph chapels.

Inihahanda na ang ka­song Anti-Fencing laban sa suspect matapos mabatid na ang suspect ang bumili ng mga ninakaw na mga imahe ng Santo.

vuukle comment

BATAS ST.

ELMERADO PEREDO

JESUS CHRIST

LUBIRAN ST. STA

MAKATI CITY

PEDRO PALOMARES

SAINT JOSEPH

SAN FABIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with