QC treasurer kinilala bilang most outstanding treasurer ng konseho
MANILA, Philippines - Pormal na kinilala bilang “most outstanding” Treasurer ng Quezon City si outgoing treasurer Victor Endriga sa pamamagitan ng resolution na ipinalabas ng city council sa lungsod.
Si Endriga, na naglingkod bilang QC treasurer noong 2001, ay nakatakdang umalis sa kanyang tanggapan sa June 30, 2010, kasabay ng paglisan din ni Mayor Feliciano Belmonte Jr.
Ang resolusyon ay binasa kahapon ni Belmonte sa Flag ceremony na dinaluhan ng buong miyembro ng city council, gayundin ng mga congressmen sa apat na distrito ng lungsod. Ang kopya ng resolution ay nilagdaan ng buong city council, Mayor Belmonte at QC mayor-elect Herbert Bautista ay ibinigay kay Endriga.
Nakasaad sa resolution na simula na pamunuan ni Endriga ang tanggapan noong 2001 ay naging maayos ang koleksyon ng buwis sa lungsod. Kinilala rin sa resolusyon si Endriga bilang instrumento para ituring ang lungsod bilang richest local government sa buong bansa dahil sa revenue collections mula 2002 hanggang 2009.
- Latest
- Trending