MANILA, Philippines - Tuluyang nagpaalam na kahapon sa Makati City Hall si outgoing Mayor at Incoming Vice-President Jejomar Binay sa mga empleyado sa ginanap na flag raising ceremony.
Nagpasalamat si VP-elect Binay sa mga empleyado ng City Hall kasabay ng pasasalamat sa pagtitiwala sa kanyang anak na si Mayor-elect Jejomar Erwin Binay.
Nanumpa si Mayor-elect Jun-Jun Binay kay Sen. Francis Escudero kahapon.
Sinabi ng batang Binay na mahirap niyang malampasan ang nagawa ng kanyang ama sa Makati subalit sisikapin niyang ituloy ang lahat ng programa nito.
Samantala, nanawagan naman si Sen. Escudero sa lahat ng sector na igalang ang naging desisyon ni VP-elect Binay na huwag tumanggap ng posisyon sa ilalim ng Aquino administration.
Magugunita na si Sen. Escudero ang nagsulong ng tandem na Noy-Bi sa nakaraang May 10 elections kahit ang katandem ni President-elect Benigno Aquino III ay si Sen. Mar Roxas.
Sinabi ni Escudero na mas pinili niyang suportahan si Binay kaysa kay Roxas dahil sa matagal na niya itong kaibigan at may pareho silang paniniwala sa pulitika.
Hiniling din ni Chiz na igalang ang desisyon ni Binay na huwag tumanggap ng puwesto sa Gabinete ni P-Noy.