^

Metro

VP-elect Binay namaalam sa Makati City

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuluyang nagpaalam na kahapon sa Makati City Hall si outgoing Mayor at Incoming Vice-President Jejomar Binay sa mga empleyado sa ginanap na flag raising ceremony.

Nagpasalamat si VP-elect Binay sa mga em­pleyado ng City Hall ka­sabay ng pasasalamat sa pagtitiwala sa kanyang anak na si Mayor-elect Jejomar Erwin Binay.

Nanumpa si Mayor-elect Jun-Jun Binay kay Sen. Francis Escudero kahapon.

Sinabi ng batang Binay na mahirap niyang malam­pasan ang nagawa ng kan­yang ama sa Makati subalit sisikapin niyang ituloy ang lahat ng pro­grama nito.

Samantala, nanawagan naman si Sen. Escudero sa lahat ng sector na igalang ang naging desisyon ni VP-elect Binay na huwag tumanggap ng posisyon sa ilalim ng Aquino administration.

Magugunita na si Sen. Escudero ang nagsulong ng tandem na Noy-Bi sa nakaraang May 10 elections kahit ang katandem ni President-elect Benigno Aquino III ay si Sen. Mar Roxas.

Sinabi ni Escudero na mas pinili niyang supor­tahan si Binay kaysa kay Roxas dahil sa matagal na niya itong kaibigan at may pareho silang paniniwala sa pulitika.

Hiniling din ni Chiz na igalang ang desisyon ni Binay na huwag tumang­gap ng puwesto sa Gabi­nete ni P-Noy.

vuukle comment

BENIGNO AQUINO

BINAY

CITY HALL

FRANCIS ESCUDERO

INCOMING VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY

JEJOMAR ERWIN BINAY

JUN-JUN BINAY

MAKATI CITY HALL

MAR ROXAS

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with