Bebot tumalon sa overpass, dedo

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang babae na agad na namatay makaraang tumalon sa isang overpass na may 20 talampakan ang taas kama­kalawa ng hapon sa   Quezon City.

Isinalarawan lamang ang biktima na nasa edad na 30-35, kulot, balingkinitan ang pangangatawan, nakasuot ng brown na T-shirt na may tatak na French Hincks 1978, at naka-brown na stripe na pajamas.

Sa ulat ni SPO2 Mario Turiano ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, nangyari ang insidente sa may C-5 Road sa panulukan ng Mindanao Ave. Quirino Highway, Brgy.Talipapa pasado alas 6 ng gabi.

Ayon sa saksing si Romano Mamaril, cigarette vendor nakita niya ang biktima na mag-isang naglalakad sa may overpass.

Nagulat na lamang si Mamaril nang biglang tumalon ang biktima at lumagpak ang katawan nito sa sementadong kalsada. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insi­dente upang mabatid ang pagkakakilalan ng biktima.

Show comments