Palaboy kinatay

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang lalaking palaboy matapos matagpuan ang bangkay nito na tadtad ng saksak sa leeg kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na Eric. Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa taong responsable sa brutal na pagpaslang dito.

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang makitang nakahandusay ang duguang biktima sa loob ng Oliveros Market sa Barangay Tangos ng lungsod na ito ng mga residente.

Tadtad ng saksak sa leeg ang biktima na kaagad nitong ikinasawi, mabilis na ipinagbigay ng mga residente sa pulisya ang insidente.­

Show comments