May kapansanan sa isip, nalaglag sa gusali, patay

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 36-anyos na lalaki na sinasabing may kapan­sanan sa pag-iisip maka­raang malaglag ito buhat sa ika-38 palapag ng isang gusali nang makahulagpos sa pagkakahawak ng kan­yang driver, kahapon sa Makati City.

Durog ang ulo at katawan ng nasa­wing si Ben Sy, Jr., ng 110th Avenue, Bequin Aquino St., Brgy. 55, Que­zon City. Sa ulat ng Makati police, da­kong alas-12:55 ng tang­hali nang maganap ang insidente buhat sa ika-38 palapag ng 88 Corporate Center Building sa Salcedo Village, Brgy. Bel-Air, ng naturang lungsod.

Galing ang biktima at ate nito sa opisina ng kapatid na si Jacy Go ng JSG Consulting Agency na nasa ika-38 palapag at pababa na nang makahu­lagpos sa pagkakahawak ng kanilang family driver na hindi pa nakilala ang pa­nga­lan. Diretso umanong tumalon ang biktima at bumagsak sa ika-7 pala­pag ng gusali kung saan agad itong binawian ng buhay.

Patuloy naman ang pagkalap ng impormasyon ng pulisya sa insidente dahil sa pagiging atubili ng pamunuan ng gusali na makipag-kooperasyon sa pulisya.

Show comments